Kontinyueysyon ng "TV ADs: Haguan ng mga Kagamitang Pampagtuturo sa Elementarya"
Balangkas Teoretikal
Ikinonsider ang ilang theory upang magsilbing batayan ng pag-aaral.
Sa Social Cognitive Theory ni Bandura (1986) binibigyang-diing nakukuha ng tao ang pag-uugali sa pamamagitan ng pagmamasid sa iba at paggaya sa ang anumang napagmamasdan. Puno ng mga iba’t ibang karakter, mabuti o masama man, ang mga advertizment na maaaring gayahin ng mga bata. Subalit sa patnubay ng titser at sa paggamit ng mga ito sa pagtuturo ay magiging makabuluhan ang mga maiikli subalit maimpluwensyang mga advertizment.
Ayon sa Informational Social Influence Theory ni Cialdini, kinokopya ng isang tao ang iba kapag hindi nya alam kung papaano kumilos nang tama. Kumikilos sya ayon sa information sources dahil ipinapalagay nyang alam nila ang kanilang ginagawa. Sa mga advertizment, gumagamit ng mga tesmimonya mula sa mga eksperto gayundin mula sa mga artista na mas “nakaaalam” ng kung ano ang tama. Nangyayari ang “private acceptance” kapag naniniwala tayong ang isang tao ay tama. Maaaring nitong tuluyang baguhin ang paniniwala, ugali at kilos ng isang tao. Nangyayari naman ang “public compliance” kapag kinukopya natin ang iba dahil sa takot ng panunuya o di-pagtanggap ng iba kung kikilos ng iba.
Sa theory na Learning fo Mastery ni Bloom (Lindgren, 1983) na binibigyang diin ang lubusang pagkatuto ng mga estudyante sa mga araling itinuturo ay may kaugnayan sa mabuting kondisyon sa pagkatuto at sa kalidad ng pagtuturo. Magbibigay ng interesting at kakaibang iksperyens sa mga estudyante ang paggamit ng mga pantelebisyong advertizment sa pagtuturo sa tulong ng isang mahusay na titser. Si Skinner (Ornstein, 1992) na isang “behaviorist” at nakilala sa kanyang “operant conditioning” ay nagpahayag na ang hayop kasama na ang tao ay maaaring kontrolin upang kumilos nang maayos. Ang isang organismo, tao o hayop, ay kikilos nang maayos upang tumanggap ng gratipikasyon na nasa iba’t ibang anyo tulad ng pagkain, pagkilala, pagpuri at iba pa. Ang susi ng “operant conditioning” na ito ay “contingency management” na nangangahulugang pagbibigay ng tamang gantimpala matapos kaagad na maipakita ng estudyante ang inaasahang tamang gawi. Ang tamang gawi ay anumang gawing itinaya ng titser na karaniwang magkaugnayan sa pagkatuto ng anumang material o ng tamang ugali sa loob ng klase. Ang karaniwang “reinforcer” ay atensyon, pagpapuri, marka o kahit kendi.
Sinasabi pa rin ni Skinner na ang gantimpala ay nagpapatibay sa pagkatuto ng mag-aaral. Ang walang pagbibigay ng papuri, pagbibigay pansin at pagtanggap ng ideya na mga mag-aaral ay huhubog sa mga mag-aaral na kumilos ng naaayon sa inaasahan ng kanyang lipunan. Maaari nito kung ganoon na imotiveyt ang mga estudyante na kusang sumagot o sumali sa diskasyon sa tulong ng mga reinforcers na ito.
Balangkas Konseptwal
Ang mga kaisipang nakapaloob sa mga nalikom na advertizment sa pangnasyunal na telebisyon ay magagamit na mga kagamitang pampagtuturo. Ang mga pantelebisyon advertizment ay pinili upang katawanin yaong mga 15 hanggang 90 segundong advertizment na gawang Pilipino, nasa wikang Filipino, English, Taglish, vernakyular o kombenasyon ng alin man sa mga nabanggit na wika, at ipinalabas o ipinalalabas sa national television sa Pilipinas.
Ang kahulugang literal at figyurativ na nakapaloob sa mga advertizment ay ang lantad na katotohang makikita dito, mga talinghaga, at istilo ng presentasyon. Ang mga advertizment ay nauukol sa mga isyung pangkapaligiran, pampamilya at pangkalusugan.
Magagamit sa pagtuturo ng Filipino at HEKASI sa Grade VI ang mga advertizment matapos ang ibayong pagsusuri sa mga ito.
Katuturan ng Talakay
Eksperto. Sa pag-aaral na ito, ito ay ang kalipunan ng area chairman at mga titser sa Filipino VI at HEKASI sa Canaman Central School, Taong Panuruan 2007-2008.
Figyurovispits. “Tayutay” sa Tagalog, ito ay ang matalinhaga, imajinativ o dekorativ na paggamit ng mga salita sa pagkukumpara, pagbibigay-diin o pagdadagdag ng istayl. Islang. Ito ang mga salitang ginagamit ng isang partikular na grupo sa lipunan.
Hanguan ng kagamitang pampagtuturo. Sa pag-aaral na ito, ito ay banghay-aralin sa Filipino at HEKASI na maaaring gamitan ang mga pantelebisyong advertizment.
Kagamitang pampagtuturo. Ito ay ang anumang karanasan o bagay na ginagamit ng guro bilang pantulong sa paghahatid ng mga katotohanan, kasanayan, saloobin, kaalaman, palagay, pag-unawa at pagpapahalaga sa mga mag-aaral upang lalong maging kongkreto, tunay, daynamik at ganap ang pagkatuto. Abad mga kasama, 1996)
Kahulugang figyurativ. Ito ay tumutukoy sa mga talinghagang nakapaloob at ang istilo ng presentasyon ng mga pantelebisyong advertizment. Kahulugang literal. Ito ang lantad na katotohanang makikita sa mga pantelebisyong advertizment.
Media. “Midiya” sa ortograpiyang Filipino, ito ay tumutukoy sa iba’t ibang behikulong pangkomunikasyon tulad ng telebisyon, radyo, magazin, vidiyo, pelikula, kompyuter, selfown at iba pa. Tumutukoy rin ito sa mga ahensyang nagrereport ng mga balita.
Pantelebisyong advertizment. Tinatawag ding komersyal, palatastas o TV ads, ito ay isang porma ng advertayzing na nagpropromowt ng produkto o serbisyo gamit ang telebisyon bilang midiyum.
Pantelebisyong advertizment na gawang Pilipino. Tumutukoy ito sa mga pantelebisyong advertizment na ipinaprodyus ng Pilipinong advertayzer, prinodyus ng Pilipinong ahensya, o dinirekt o inedit ng isang Pilipino; o nagpropromowt ng Pilipinong produkto. Produkto. Ito ay ang produktong ibinebenta o serbisyong inoofer sa isang pantelebisyong advertizment.
Saykoloji sa advertizment. Ito ay ang mga nakikita at naririnig sa mga advertizment na nakaiimpluwensya sa subconscious mind at emosyon ng isang tao sa pamamagitan ng pagpapahiwatig na makakamit ang isang subconscious desire kung susundin ang iminunungkahi ng advertizment, ang pagtangkilikin sa produkto o serbisyo (Taflinger, 1996).
Talababa
__________Media Education in Canada: An Overview, Media Awareness Network http://www.media-awareness.ca/english/teachers/media_education/media_education_overview.cfm (Binuksan noong February 20, 2007)
D. C. D. Pocock, Sight and Knowledge, University of Durham, United Kingdom, 1980 http://links.jstor.org/sici?sici=0020-2754%281981%292%3A6%3A4%3C385%3ASAK%3E2.0.CO%3B2-P&size=LARGE#abstract (Binuksan noong February 22, 2007)
Christian George C. Francisco, Ang Papel ng Televisyon sa Pagtuturo ng Walong Dagdag na Letra Ayon sa 2001 Revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino, De La Salle University-Dasmariñas, 2006 http://www.ptechs.org/ptechs2006/Presentation/CFrancisco.pdf (Binuksan noong April 12, 2007)
__________TV Viewing Time Linked to Kids' Behavior Problems, Reuters Health http://preventdisease.com/news/articles/tv_link_kids_behavior.shtml (Binuksan noong February 20, 2007)
__________Television’s Impact on Kids, Media Awareness Network http://www.media-awareness.ca/english/parents/television/tv_impact_kids.cfm (Binuksan noong February 20, 2007)
Mindy M. Mowers, Does the Media Influence A Child’s Behavior, Department of Psychology, Missouri Western State University, 2003 http://clearinghouse.missouriwestern.edu/manuscripts/402.asp (Binuksan noong February 20, 2007)
Ramon R. Tuazon, Philippine Television: That’s Entertainment, National Commission for Culture and the Arts, 2002 http://www.ncca.gov.ph/about_cultarts/comarticles.php?artcl_Id=223 (Binuksan noong March 1, 2007)
Randy M. Page at Emilia Patricia Zarco, Physical Activity and Television Viewing Linked to Body Mass Index Among Philippine Highschool Students: Signaling an Emerging Epidemic of Obesity? Baywood Publishing Company, Inc. 2002 http://baywood.metapress.com/index/JXWGY1AFFQC2P3L0.pdf (Binuksan noong April 29, 2007)
Virgilio J. Adeyanju, Teachers Perception of the Effects and Use of Learning Aids in Teaching: a Case Study of Winneba Basic and Secondary Schools, Faculty of Education, Institute of Education, Obafemi Awolowo University, Nigeria, 2003 http://ultibase.rmit.edu.au/Articles/nov03/adeyanju1.htm (Binuksan noong April 12, 2007)
Luz C. Bucu at mga kasama, College Teaching in the Philippines, Rex Book Store Manila 1994
__________Albert Bandura, The PSI Café, 2001 http://www.psy.pdx.edu/PsiCafe/KeyTheorists/Bandura.htm#Research Binuksan noong April 28, 2007)
__________Informational Social Influence, Changing Minds, Syque, 2007 http://changingminds.org/explanations/theories/informational_social_influence.htm (Binuksan noong May 4, 2007)
George Ritzer, Sociological Contemporary Theory, Alfred A. Knopt New York, 1983
Allan C. Orstein, Strategies for Effective Teaching, Harpen Collins Publisher, 1992
Marietta Abad at mga kasama, Paghahanda ng Kagamitang Pampagtuturo, National Book Store Manila 1996
Richard F. Taflinger, Taking ADvantage, Washington State University/Edward R. Murrow School of Communication, 1996 (Bersyon sa internet) http://www.wsu.edu:8080/~taflinge/advant.html (Binuksan noong February 20, 2007)
letcheng term paper to! matay n ngpagawa smin nito!
Sa pag-aaral o pagtuturo ng filipino parang nakalilito na ang nilalaman ng texto ay pawang araling panlipunan. Ito na ba ang makabagong pamamaraan ng pagtuturo o pag-aaral ng filipino…
Madalas ang sabi ng iba, ito ay isang integrasyon lamang. Sana ay mabibigyan ng lunas ang kalituhang ito.
Marami namang aklat na pinagamit nguni’t ito ay hindi naman talagang nagagamit. Baligtad sa tingin ko ang integrasyon na sinasabi nila….
Maaari bang gagamiting ang aklat na pinagamit o ang buong aklat na pawang mga araling panlipunan ang nilalaman.
and then i came out, mommy move me down sout. Corrina Eudora.