"TV Ads: Hanguan ng mga Kagamitang Pampagtuturo sa Elementarya"
Panimula; Paglalahad ng Suliranin, Saklaw at Delimitasyon, Disenyo ng Pananaliksik; Balangkas Teoretikal at Konseptwal, Katuturan ng Talakay, Talababa
KABANATA II - Revyu ng mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral
Laybrari ng gradyuwet iskul ng Ateneo de Naga University at University of Nueva Caceres, at ang Internet ang pinaghanguan ng mga literatura at pag-aaral na may kaugnayan sa kasalukuyang pag-aaral.
Mga Kaugnay na Literatura
Binanggit nina Adeyanju (2003), Liwanag (1995) at Gabuyo (1998) ang papel sa pagkatuto ng mga kagamitang pampagtuturo, ang mga halimbawa at ang mga dapat isaalang-alang sa paghanda ng mga ito. Tinalakay naman nina Transona (2002), Aquino at Razon (1998), at Panambo (1997) ang tungkulin at kwalifikeysyon ng isang mahusay na titser. Makikita ang iba’t ibang gamit ng wika sa mga pahayag nina Francisco at Espiritu (2006), Lumbera (2005), at Thompson (2003). Tinalakay naman nina Austero at Fowles (1999), Taflinger (1996), at Gresko at mga kasama (1996) ang paggamit ng saykoloji sa mga advertizment, at sa R.A. 8370 o Children’s Television Act of 1997 ang ahensang naatasang magmomonitor ng mga ito.
Natutunghayan sa sumusunod na mga paragraf ang detalye ng mga nabanggit na mga kaugnay na literatura.
Sa pagtuturo, ayon kay Adeyanju (2003), mahalaga ang visual aids sa lubusang pagkatuto ng mga bata. Para kay kanya:
“Learning aids are instructional materials and devices through which teaching and learning are done in schools. Examples of learning aids include visual aids, audio-visual aids, real objects and many others. The visual aids are designed materials that may be locally made or commercially produced. They come in form of wall-charts illustrated pictures, pictorial materials and other two dimensional objects. There are also audio-visual aids. These are teaching machines like radio, television, and all sorts of projectors with sound attributes.”
Ang advertizment ay maaari ring magsilbing visual aid.
Ang kagamitan sa pagtuturo, ayon kay Liwanag (1995), ay isa sa mga faktor sa mabisang pagkatuto ng mga estudyante. Ang mga paghahanda ng mga kagamitan sa pagtuturo ay nasasalig sa iba’t ibang batayan sa pananaw na sosyo-kultural. Sa paghahanda ng kagamitang pampagtuturo dapat isaalang-alang ang mga gamit nito, ang objektiv, panahon at istilo ng mga wikang gagamitin na naaayon sa kahalagahan ng mga taong nag-uusap at sa hinihingi ng pagkakataon. Ang ikalawa ay ang pananaw na pangkaisipan. Dito binibigyang pansin ang pagkakaiba ng estudyante sa paraan ng pagkatuto. Ang ikatlo ay ang yumanistik na perspektiv. Ang objektiv nito ang lubusang malinang ang buong katauhan ng mga mag-aaral.
Para kay Gabuyo (1998), sa paghahanda ng kagamitang pampagtuturo ay kailangang alamin ang karakteristik at pangangailangan ng estudyante. Tiyakin ang objektiv, balangkasin ang nilalaman, iplano ang suportang kakailanganin at isaalang-alang din ang mga materyal na paghahanguan. Sa pagsusulat, ihanay nang maayos ang mga ideya, pag-isipan at simulang buuin ang mga gawain at fidbak, humanap ng mga halimbawa at umisip ng mga grafiks.
Ayon kay Transona (2002), walang kagamitang panturo ang maipapalit sa isang mabuting titser ngunit isang katotohanang hindi maitatanggi na ang mabuting titser ay gumagamit ng mga kagamitang pampagtuturo tungo sa mabisang pagkatuto ng mga estudyante.
Tinalakay ni Aquino at Razon (1998) sa kanilang aklat ang kwalifikeysyon ng isang mahusay na titser. Ayon sa kanila, matatawag na mahusay ang titser kung nagtataglay sya ng sariling kakayahan at katalinuhan, matapat sa pakikitungo sa kanyang kapwa titser at iginagalang ang karapatan ng bawat estudyante. Kailangan ding may alam sya sa mga prinsipol ng mabuting pagkatuto tulad ng paggamit ng angkop na pamamaraan sa pagtuturo, motiveysyon, paggawa ng leson plan, kasanayan sa pagtataya at integreysyon.
Ang pagkatuto para kay Panambo (1997) ay ang pinakamahalagang proseso ng pagtuturo at pag-aaral. Ang pagkatuto ng mga estudyante ay nakasalalay sa mabuting paraan ng pagtuturo ng isang titser. Ang titser ang nababalak at nagpapasya sa pamaraang kaniyang gagamitin na angkop sa bunga ng pagkatuto na nais nyang makamtan ng mga estudyante, angkop sa sitwasyon, angkop sa kakayahan ng mga estudyante at gayundin sa uri ng paksang-aralin at sabjikt na kanyang ituturo.
Sa lektyur ni Francisco (2006) sa “Ang Papel ng Televisyon sa Pagtuturo ng Walong Dagdag na Letra Ayon sa 2001 Revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino” binanggit nya, ayon kay Espiritu, wika ang gamit ng titser sa pagpapaunawa ng nilalaman ng kurso at wika ang gamit ng estudyante upang ipakita ang kanyang pag-unawa at ipahayag ang kanyang iniisip at niloloob. Samaktwid, mahalagang konsiderasyon ang wika sa pagtuturo gayundin sa pagkatuto.
Payo ni Lumbera (2005) sa mga manunulat sa intervyu sa kanya ng Pinoy Weekly Online:
Importante na kilalanin ng isang manunulat na siya ay namumuhay sa ganitong lipunan at kung hindi man siya kumilos para baguhin ang lipunan na iyon, huwag namang maging hadlang sa pagkilos ng ibang tao. Lagi’t lagi, kilalanin ang kanyang kaugnayan sa buhay ng lipunang kanyang kinabibilangan. Sa ganoong paraan, ang kanyang mga tula, kuwento, dula ay uungkat sa mga nangyayari sa ating lipunan at ’yong kanyang odyens na bumabasa sa kanyang mga tula o nanonood ng kanyang dula ay mabigyan niya ng kamalayan na siya ay bahagi ng lipunang inilalarawan sa akda. Sa ganoong paraan ang manunulat ay hindi magiging kuntento na lamang sa paggamit sa wika ayon sa personal niyang kagustuhan.
Sa 192 mga Pilipinong advertisement pantelebisyong sinorbey ni Thompson (2003), ang isandaan at walo (108) ay gumamit ng English “E”, apatnaput isa (41) ay Tagalog na may mga English na salita at phrase “T(E)”, dalawamput dalawa (22) ay Tagalog “T”, at dalawamput isa (21) ay English na may mga Tagalog na salita at phrase “E(T)”. Ang anim na tipo ng produktong nanguna at halos gumagamit ng Tagalog (“T” at “T(E)”) ay Pagkain (39.68%), Farmasyutikal (23.81%), Panlinis/Detergent (11.11%), Inuming Alkohol (7.94%), Pampamahalaang Serbisyo (6.35%), at Home Maintenance at Aplayans/Elektroniks (parehong may 3.17%). Samantala, ang anim na tipo ng produktong nanguna at halos gumagamit ng English (“E” at “E(T)”) ay Aplayans/Elektroniks (18.60%), Pagkain (12.40%), Damit (10.85%), Pagbabangko/Finans (9.30%), Gamit sa Banyo at Inuming Di-alkohol (parehong may 8.53%), at Sasakyan/Travel at Inuming Alkohol (parehong may 6.98%).
May labin-limang atraksyon sa mga advertizment na tinawag ni Jif Fowles na “imbentaryo ng motibo ng tao” ayon kay Austero (1999). Ang saykoloji o mga atraksyon sa mga advertizment ay mga pangangailangan: sa seks, pagsasamahan, pagmamahal o pag-aalaga, ng patnubay, seguridad, estetik senseysyon, kyuryositi, na bayolojikal, makapantay o makalevel ang isang tao, makatakas, magpatnubay, mangibabaw, kumuha ng atensyon, maging prominente at awtonomus.
Sa libro ng “Taking ADvantage” ni Taflinger (1996), binanggit nya ang sampung psychological appeal na ginagamit sa advertayzing upang makapagmotiveyt sa mga mamimili. Ang mga psychological appeal na ito ay: self-preservation, sex, acquisition of property, self-esteem, personally enjoyment, constructiveness, destructiveness, curiosity, imitation at altruism.
Para kina Gresko at mga kasama (1996), matagal nang ginagamit ang saykoloji sa advertayzing bilang ifektiv na pamamaraan sa pagbebenta ng isang produkto o serbisyo. Ang pag-unawa sa mga pangunahing konsepto na nakaaapekto sa saykoloji ng tao ay makatutulong sa isang kompanya na makabenta ng kanilang produkto o hindi kaya ay makatutulong sa isang konsyumer upang maunawaan ang mga marketing istratiji na nakakahimok sa kanilang bumili ng mga produkto. Mahalagang makuha ang atensyon ng konsyumer at ito ay sa pamamagitan ng pag-apela sa emosyon.
Alinsunod sa R.A. 8370 o Children’s Television Act of 1997, ang National Council for Children’s Television (NCCT) ang magmomonitor, magrerevyu at magkaklasifay ng mga pambatang programa sa telebisyon at mga advertizment na ipinalalabas sa mga oras na maraming bata ang nanonood. Sa katuturan nito, ang “children” ay tumutukoy sa lahat ng tao na wala pang labin-walong (18) gulang. Mababasa sa Seksyon 2, ang Declaration of Policy, na kinikilala ng estado ang kahalagahan at impakt ng brodkast midiya partikular ang mga programa sa telebisyon kaugnay sa pagpapalaganap ng valyus at intelektwal na pag-unlad ng mga kabataan bilang bahagi na rin ng suporta at pangangalaga sa kanilang interes.
Ang mga paksang tinalakay sa mga pag-aaral nina Gastello (1999), Fortuno (1998), Lopez (2001), Mallapre (2004), Mettilla at Metilla (1996), Camaya at mga kasama (2004), Arenas (1995), Alcedo (1998) at Alegre (1998) ay hango sa midiya at nagkakaiba-iba sa ginamit na materyal. Ang kina Gastello, Fortuno at Lopez ay hango sa dyaryo: mula sa dyaryong brodsyit gamit ang mga komikstrip sa unang pag-aaral at mula sa dyaryong tabloyd gamit ang mga artikel sa ikalawa at mga balita sa ikatlo. Ang kina Mallapre, Metilla at Metilla, at Camaya at mga kasama ay hango sa telebisyon gamit ang nobelang popular sa unang pag-aaral at mga edyukeysyonal program sa huli. Ang kay Arenas ay hango sa sine gamit ang pelikula. Samantala, ang kina Alcedo at Alegre ay hango sa libro gamit ang iba’t ibang akda sa unang pag-aaral at mga tula lamang sa huli. Ang mga materyal na nilikom nina Fortuno, Gastello, Mallapre, Alcedo at Alegre ay iklinasifay: ayon sa paksa sa unang tatlong magkakahiwalay na pag-aaral at ayon sa kaisipan sa huling dalawa.
Ang pinakamalapit sa kasalukuyang pag-aaral ay ang case study ni Adeyanju (2003) na tinukoy ang persepsyon ng epekto ng mga kagamitang pampagtuturo sa pagkatuto, at ang pangmaster na tisis ni Transona (2002) na inalam ang kaangkupan ng sanayang-aklat sa kyurikulum ayon sa persepsyon ng mga titser sa Filipino. Tungkol sa mga kagamitang pampagtuturo rin ang mga pag-aaral nina Adeyanju at Transona.
Natutunghayan sa sumusunod na mga paragraf ang detalye ng mga nabanggit na mga kaugnay na pag-aaral.
Isa sa mga objektiv ng mga pag-aaral nina Fortuno, Gastello, Alcedo at Alegre ay maikonekt sa edukasyon ang ginawang pag-aaral. Ang kina Fortuno, Alcedo at Alegre ay sa pagtuturo: sa Edukasyong Pagpapahalaga sa elementarya sa una at sa Panitikan sa hayskul sa ikalawa at sa kolij sa huli. Samantala, ang kay Gastello ay pagpapaunlad ng kurikyulum bukod pa sa paglinang sa kakayahan sa pagbasa at sa pagpapahalaga. Tinukoy sa pag-aaral nina Alegre at Gastello ang mga figyurovispits at islang sa mga maikling kwento para sa unang pag-aaral at mga komikstrip sa huli. Tinukoy naman sa pag-aaral ni Arenas ang mga role ng mga babaeng karakter sa mga pelikulang Pilipino at sa pag-aaral ni Gastello ang istilo ng presentasyon ng mga karakter sa mga komikstrip.
Sa pag-aaral ni Gastello (1999), sinuri at inalam sa lipunan sa panahong iyon ang 96 na mga komikstrip na ‘Pugad Baboy’ ni Pol Medina Jr. na araw-araw na nailathala sa pahagang The Philippine Daily Inquirer. Batay sa isinagawang pag-aaral, ang mga paksang-diwa ay inilahad sa pagbibigay ng observeysyon at kritikal na pagsusuri sa mga kasamaan at katiwalian sa kalikasan, edukasyon, gobyerno, lipunan at ekonomiya ay ginawang katawa-tawa at hindi obvyus upang hindi maging masakit sa mga pinatutungkulan. Nakitang ang mga pangalang ibinibigay sa mga tauhan ay nababagay sa mga pag-uugaling taglay nila at ang mga taong ito ay nakakasalamuha natin sa araw-araw. Ang paggamit ng mga figyurovispits ay mabisang paraan sa paglalahad at pagpapasigla ng isang awtor upang mapukaw ang kawilihan ng mambabasa. Ang mga islang o balbal na salita na komon na ginagamit ngayon lalo na ng mga kabataan at maging ang mga komon na tao ay isang paraan upang maging riyalistik ang dayalog o usapan sa komikstrip. Ang mga komikstrip na ito ay may kahalagahan sa pagprepeyr sa mataas na level ng edukasyon.
Sinuri at pinahalagahan ni Fortuno (1998) ang mga piling sanaysay ni Bella Angeles Abayan na pinamagatang “Maganda ang Buhay” na inilathala at linguhang lumalabas sa pambansang pahayagang Balita, mula Enero ng taong 1996 hanggang Disyembre taong 1997. Sa isinagawang pag-aaral, lumabas na ang apanapu’t walong (48) sanaysay ay naglalarawan ng mga paksang patungkol sa intelektwal, sosyal at panlipunan, moral at ispiritwal na nagbibigay tuon sa kahalagahan ng karunungan, pag-aaral, determinasyon sa buhay, pag-ibig sa sarili, kapwa at bayan, pagtupad sa tungkulin at paniniwala sa Diyos. Ang 48 sanaysay ay nagtataglay ng mga pagpapahalagang nakapaloob sa DECS CORE VALUES na binibigyang-diin ang pagpapahalagang panlipunan, pagpapahalagang pang-ekonomiya, pagmamahal, katotohanan at pananampalataya. Ang 48 sanaysay ay may kaugnayan sa pagpapatupad ng layunin ng pagtuturo ng Edukasyong Pagpapahalaga (EP) na nakapaloob sa paksang intelektwal, sosyal at panlipunan, moral at ispiritwal.
Inalam ni Lopez (2001) sa kanyang pag-aaral ang kahalagahan ng pahayagan bilang instrumento ng pag-unawa ng katarungang panlipunan. Batay sa kinalabasan, ang mga katarungang pambata ay mga karapatang para mabuhay, edukasyon, maayos na pamumuhay, pagtangkilik ng sariling pamilya at proteksyon laban sa pag-aabuso; sa katarungang pangkababaihan ay paghawak ng katungkulan, dangal at reputasyon at proteksyong sekswal; sa katarungang pangmagagawa ay maayos na paglilitis, tamang pasahod at pagtanggap ng benifit sa pinagtratrabahuhan. Ang mga dimensyong sosyal ay wastong paggamit at paggalang sa mga nabanggit na katarungan: pagpapahalaga sa karangalan, pantay-pantay na karapatan at pananagutan at katungkulan dapat gampanan. Ang mga epekto ng mga pagpapahayag ng pagkagalit, pagtawag sa ahensyang sangkot at pagbibigay tulong at payo upang maisaayos at maitama ang mga paglabag ng mga katarungang pantao sa lipunan.
Si Mallapre (2004) ay gumawa ng pag-aaral tungkol sa “Mga Nobelang Popular: Salamin ng mga Pagpapahalaga.” Sinuri at binigyang pagpapahalaga ang labin-limang nobelang popular na naipalabas sa ABS-CBN taong 1999-2000 sa pamamahala ni Charo Santos. Batay sa ininagawang pag-aaral, ang mga paksang-diwang nilahad ay pagsisikap na maiangat ang buhay na may sab-tapik na: pagsusumikap at pagtitiyaga, pag-asa sa kapalaran, pagsalig sa kapwa; pagkamatatag na may sab-tapik na: pagkamatatag sa pagharap sa problema sa pamilya, pagkamatatag sa pagharap sa problemang kinasasangkutan ng sarili at pagkamatatag sa pagharap sa nagawang kamalian; katangian ng pag-ibig na my sab-tapik na pag-ibig na matiyaga at magandang loob, pag-ibig na mapang-unawa at hindi makasarili at pag-ibig na mapagbata at puno ng pagsasakripisyo; pagpapahalagang sosyal na may sab-tapik na: ugnayan sa pamilya, ugnayan sa kapwa at pagpapahalagang katapatan sa pag-ibig. Ang mga kakintalang nakapaloob sa mga nobela ay personal at interpersonal.
Inases nina Metilla at Metilla (1996) ang akseptabiliti ng at pangangailangan para sa lokal na mga edyukeysyonal program sa telebisyon para sa mga bata sa Bicol. Inivalyuweyt ang aveylabiliti ng finansyal, teknikal at manpower resources sa pagproprodyus ng nasabing mga program. Sa pag-aaral, nadiskover na talagang mayroong pangangailangan para sa mga edyukeysyonal program na pantelebisyon na prinodyus sa bansa at katanggap-tanggap ito sa mga vyuwer. Ang telebisyon at ang mga programa na kakikitaan ng karahasan ay may impluwens at nakakapagpahamak sa mga bata. Ang mga lokal at nasyunal na kompani ay parehong nagbigay ng pagsang-ayon sa persepsyon na ang advertayzing ay ifektiv lalo na sa telebisyon. Ang panunuod ng telebisyon nang walang wastong patnubay ay maaaring magpahamak sa mga bata. Kailangan at gusto ng mga magulang at mga bata ng mga programang pambata sa telebisyon na parehong edyukeysyonal at konstraktiv sa kanilang development. Kung mabibigyan ng risonabol na presyo sa komersyal reyts at masisigurado ang vyuwersyip ay wiling na suportahan ng mga kompani ang mga programang pambata sa pamamagitan ng advertayzing. Ang mga potensyal na advertayver at isponsor ng program ay maaaring iimbayt at ipriprizent ang unang episowd ng program upang makuha ang suporta at komitment nila dito.
Sa pag-aaral nina Camaya at mga kasama (2004), natuklasang mas pinipili ng mga kabataan sa Sta. Teresita, Iriga City ang mga produkto at serbisyong iniindors ng mga silebriti kaysa sa mga produkto at serbisyong iniindors ng mga di-silebriti. Ang mga advertizment sa telebisyon ay mas napapanood ng mga rispondent tuwing praymtaym kaysa sa ibang oras. Natuklasan ring mas kaakit-akit sa mga kabataan ang mga advertizment na iniindors ng mga silebriti. May epekto sa paggawa ng desisyon sa pagpili ng kanilang pangunahing pangangailangan ang mga advertizment sa telebisyon.
Sinuri ni Arenas (1995) ang 14 pelikulang Pilipino na iprinodus at ipinalabas mula 1990 hanggang 1994 at sinubukang iaydentifay at ianalayz ang iba’t ibang roles ng mga babaeng karakter. Natuklasang 9 sa 23 babaeng karakter ay ina o asawa ang role, 8 ay kabit o girlfriend, 3 ay anak, at 2 ay prostityut. Ang mga pwersang sosyo-kultural na nakaimpluwensya sa paghubog ng mga karakter na babae ay educational background, values orientation sa bahay, at marginalization sa tahanan, trabaho at sa lipunan. Ang mga sosyo-kultural na implikasyon sa iba’t ibang roles ng babae ay nakikita sa dalawang discernable forces tulad ng sa traditionalism at modernism. Sa Philippine setting, ang tingin sa kababaihan ay sabmisiv, konservativ at fultaym na ina. Ang tingin sa modern imij ay asertiv, karir-oryented at libereyted.
Natuklasan ni Alcedo (1998) batay sa isinagawang pagsusuri naipahayag ang mga kaisipang nakapaloob sa piling elemento ng nobela na patungkol sa mga kaisipang pangmakabayan, pangmakatao, pangmoral at pangkagandahang-asal at pang-intelektwal. Inilahad ang mga kaisipan at mga pagpapahalagang kaugnay sa kasalukuyang kalagayan ng lipunan. Ang mga nabuong kongklusyon ay ang mga sumusunod: 1) Ang mga kaisipang nakapaloob ay patungkol sa kaisipang pangmakabayan, pangmakatao, pangmoral, pangkagandahang-asal at pang-intelektwal. 2) Ang mga pagpapahalagang nakapaloob sa nobela batay sa mga kaisipan ay mga pangmakatao, pangmoral, pagpapahalaga sa kabutihang-asal at pagpapahalagang pangkaisipan. 3) Ang mga pagpapahalagang pagkamaka-tao, pagkamaka-Dyos at pagpapahalaga sa pangkaisipan ay magagamit sa pagtuturo kaugnay sa pagtuturo ng mga layunin pang-edukasyon sa pagtuturo ng panitikan sa hayskul.
Nilayon ni Alegre (1998) na masuri at mapahalagahan ang dalawampu’t limang tula ni Tinio “A Trick of Mirrors” at maikonekt ito sa pagtuturo ng panitikan sa kolij level. Batay sa isinagawang pagsusuri, nailahad ang mga nilalamang-diwa batay sa iba’t ibang uri ng damdaming nakapaloob sa tula. Naipakita ang paggamit ng mga larawang-diwa at figure of speech sa tula ni Tinio at naikonekt ang mga kaisipang mga larawang-diwa at figure of speech sa pagtuturo ng panitikan sa kolij level. Nadiskover sa pag-aaral na ito na ang mga tula ni Tinio ay may nilalamang-diwa batay sa relasyon ng magulang, mag-asawa at kapwa na naglalahad ng iba’t ibang damdamin at isipan. Ang mga tula ni Tinio ay mayaman sa mga larawang-diwa at mga figure of speech gaya ng ayroni, metafor, epigram, personifikeysyon, pagtatanong, metonimi, simili at pagpapalit-diwa na nagpapalitaw sa iba’t ibang damdamin at kaisipang awtor.
Sa case study ni Adeyandu (2003) sa “Perception of the Effects and Use of Learning Aids in Teaching” na mahigit siyamnapung porsyento ng mga gurong sinorvey ay sumang-ayon sa positibong epekto ng pagtuturo na ginagamitan ng iba’t ibang mga kagamitan sa pagtuturo. Pinatunayan nilang 1) mas nauunawaan ng mga estudyante ang mga itinuturo kapag ginagamit nila ang mga kagamitang pampagtuturo sa kanila, 2) nag-iimprovayz sila ng mga kagamitang pampagtuturo kapag kinakailangan, at 3) gumamit sila ng kagamitang pampagtuturo upang maipaunawa ang iba’t ibang konsepto na nangangailangan ng pagpapaliwanag.
Bumuo ng sanayang-aklat sa Filipino VI si Transona (2002). Tinukoy nya ang mga nilalaman nito upang mapaunlad ang kasanayang pampanitikan ng mga estudyante sa Filipino IV, at ang iba’t ibang istratijing ginamit na angkop sa paglinang ng vokabyulari, mga kaugnay na aktiviti at pagpapahalaga sa pagsukat ng natamong kaalaman ng mga estudyante. Tinukoy rin nya ang kaangkupan ng binuong sanayang-aklat sa kyurikulum ayon sa pananaw ng 17 titser sa Filipino na nagsilbing mga juror. Ang kinalabasan: 1) Ang nilalaman ng sanayang-aklat ay paglinang ng vokabyulari, pag-usapan, kaugnay na aktiviti at ivalyuweysyon. 2) Ang paglinang ng vokabyulari ay pag-unawa ng mga nilalaman ng panitikan o ang diwang nais ipahiwatig sa akda. Ang pag-usapan ay bahaging nagbibigay ng mga tanong upang lubos na masuri ang akdang pampanitikan at maikintal ang anumang kaisipan o pagpapahalagang dapat matamo ng mga estudyante. Ang kaugnay na aktiviti ay magsisilbing pagpapahalaga sa akdang natalakay. Ang ivalyuweysyon ay ang bahaging pinakasaligan sa pagsukat ng natamong kaalaman ng mga estudyante. 3) Sa pananaw ng mga guro ay angkop na angkop ang sanayang-aklat kyurikulum sa layunin, at sa kawilihan, karanasan at kaayusan.
Matapos ilahad ang mga kaugnay na literatura at pag-aaral, makikita ang kaugnayan nito sa kasalukuyang pag-aaral.
Inaasahang makapagbibigay ng interesting at kakaibang iksperyens sa mga estudyante ang mga pantelebisyong advertizment kung gagamitin sa pagtuturo ng Filipino at HEKASI sa Grade VI. Ang paggamit ng mga advertizment sa pagtuturo ay nangangailangan ng masusing pagbabalak at nagpapasya, tungkuling magagampanan lamang ng isang mahusay na titser.
Gumagamit ng wika, karikatura, kulay at tunog ang mga advertizment. Puno ito iba’t ibang diwa, literal at figyurativ, buhat sa napagmasdang dula ng buhay o karanasan ng mga sumulat at bumuo ng advertizment.
Hango rin sa midiya ang materyal na gagamitin sa kasalukuyang pag-aaral at ikaklasifay rin ito. Ang pagkakaiba ng pag-aaral na ito ay mga pantelebisyong advertizment ang gagamitin at ayon isyu ikaklasifay.
Tatalakayin sa kasalukuyang pag-aaral ang mga lantad na katotohanan at mga talinghagang nakapaloob sa mga advertizment. Bukod sa mga ito, tatalakayin rin ang istilo ng presentasyon ng mga advertizment tulad ng paggamit ng saykoloji, figyurovispits at islang sa mga ito.
Matutugunan ng mga pantelebisyong advertizment ang kakulangan sa kagamitang pampagtuturo upang magsilbing lunsaran sa mga aralin sa Filipino at HEKASI.
Talababa
Virgilio J. Adeyanju, Teachers Perception of the Effects and Use of Learning Aids in Teaching: a Case Study of Winneba Basic and Secondary Schools, Faculty of Education, Institute of Education, Obafemi Awolowo University, Nigeria, 2003 http://ultibase.rmit.edu.au/Articles/nov03/adeyanju1.htm (Binuksan noong April 12, 2007)
Lydia S. Liwanag, Phoenix Educational Journal, 1995
Araceli Gabuyo, “Ang Sanayang-Aklat Bilang Kagamitang Pampagtuturo” Panayam sa Pambansang Seminar sa Filipino sa Pagtataguyod ng Kagawaran ng Filipino sa Kolehiyo ng mga Sining at Agham ng Philippine Normal University, 1998
Leopoldo R. Transona, Sanayang-Aklat Pampanitikan sa Filipino IV: Isang Pagsusuri, (Di-Nalathalang Masteral Tesis Ateneo de Naga University, 2002) Naga City
Rosa Maria B. Panambo, Walong Linggong Kurikulum: Ang Bisa Nito sa Kakayahan ng mga Mag-aaral (Di-Nalathalang Masteral Tesis University of Nueva Caceres, 1997) Naga City
Christian George C. Francisco, Ang Papel ng Televisyon sa Pagtuturo ng Walong Dagdag na Letra Ayon sa 2001 Revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino, De La Salle Unioversity-Dasmariñas, 2006 http://ptechs.org/ptechs2006/Presentation/CFrancisco.pdf (Binuksan noong April 12, 2007)
Bienvenido Lumbera, “Dr. Bienvenido Lumbera: Pambansang Alagad ng Sining” Intervyu ng Pinoy Weekly Online kaugnay ng pagkakahirang sa kanya bilang Pambansang Alagad ng Sining, 2005 http://pinoyweekly.org/pw5-25/kult/kult_1.htm (Binuksan noong May 7, 2007)
Roger Thompson, Filipino English and Taglish: Language Switching from Multiple Perspectives, Marketing messages through language switching in television commercials, Amsterdam: John Benjamins, 2003 http://www.clas.ufl.edu/users/rthompso/filipinocommercials.html (Binuksan noong March 30, 2007)
Richard F. Taflinger, Taking ADvantage, Washington State University/Edward R. Murrow School of Communication, 1996 (Bersyon sa internet) http://www.wsu.edu:8080/~taflinge/advant.html (Binuksan noong February 20, 2007)
Jon Gresko at mga kasama, Social Psychological Factors Underlying the Impact of Advertising, Miami University, 1996 http://www.users.muohio.edu/shermarc/p324ads.shtml (Binuksan noong April 2, 2007)
Republic Act No. 8370, Children’s Television Act of 1997
Guillermo Gastello, Comic Strip: Larawan ng Galaw ng Buhay (Di-Nalathalang Masteral Tesis), University of Nueva Caceres, Naga City, 1999
Vivian B. Fortuno, Kagamitang Pampagtuturo at Edukasyong Pagpapahalaga (Di-nalathalang Masteral Tesis), University of Nueva Caceres, Naga City, 1998
Marivic S. Lopez, Pamahayagan: Instrumento sa Pagpapahalaga ng Karapatang Panlipunan (Di-Nalathalang Masteral Tesis), University of Nueva Caceres, Naga City, 2001
Cherfield Metilla at kasama, The Acceptability of a Local Children’s Educational Program in Television, (Unpublished Masteral Thesis), Ateneo de naga University, Naga City, 1996
Lilybeth R. Mallapre, Mga Nobelang Popular: Salamin ng mga Pagpapahalaga (Di-Nalathalang Masteral Tesis University of Nueva Caceres, 2004) Naga City
Eden D. Arenas, Women Characters in Selected Filipino Movies (Unpublished Masteral Thesis), Ateneo de Naga University, Naga City, 1995
Virgilio J. Alcedo, Ibong Mandaragat: Pagsusuri at Pag-uugnay sa Kasalukuyang Panahon (Di-Nalathalang Masteral Tesis), University of Nueva Caceres, Naga City, 1998
Amy A. Alegre, Mga Piling Tula: Isang Pagsusuri at Pagpapahalaga (Di-Nalathalang Masteral Tesis), University of Nueva Caceres, Naga City, 1998
Camaya at mga kasama, The Perceived Effects of Television Advertisments to Decision Making of the Youth in Choosing their Basic Needs in Sta. Teresita, Iriga City (Unpublished AB-Development Communication Thesis), Ateneo de naga University, Naga City, 2004
???????????????????????????????/
lokal/dayuhang literature ukol sa kabutihang dulot ng teknolohiya sa pakikipag talastasan…………………………………………..
ang hrap kzng mag research…weh…kpag kulang ang detalyeng hinahanap…
sna poh dagdagan nio pah ang detalye 2ngkol sa literature…haizt
wla poh aqng mahanap 2ngkol sa local literature…
ang Filipino ay sariling atin. Kung hindi mo naiintihan nangangahulugang di ka dapat nakapasa sa asignaturang Filipino. Kaya lang, talagang hindi ako sang-ayon sa pagbabago ng baybay (spelling) kasi masakit basahin at intidihin. Nawawala ang kakanyahan ng wika natin. Kung English ,baybayin sa English, kung Filipino ,Filipino? Hay talagang nakalilito ang mga bagong tuntunin sa Filipino. Nawawala ang tunay na ganda ng ating wika. Parang…as in…ngek
ano ang pinaka kahulugan ng ASIGNATURANG FILIPINO..
)
need yah answer right away..
puede poh ba bang humingi ng favor..,? pahingi rin poh ng literatura tungko sa mga “sea tragedies research poh kasi nmain.., tnx.. PROUD TO BE BICOLANO..,?
tnx.., sana poh dagdagan pa poh ung mga literatura.., salamat ulit!?
hanep wah q naintndhan ahh …fuck shit wah silbi !!!!
help me term paper ko 2 anu ang kaugnayang ng literatura sa pagtuturo ng mga guro sa pamantasan ng elementarya…juju
i nEed help….hindi ko kasie yan magetZzz……thnx./..poohHHHH
hrap itindihin pooh
ano 2 nd ko magetZz anu ang kaugnayan ng literatura sa pagtutro ng mga guro..
heeey….ano ba ang epekto ng panunuod ng telebisyon sa mga mag aaral..? disadvantage at advantage,……thesis ko po to….help mehh pohhhh…..
@Andrew
this is the filipino ortography for our alphabetsss..
dont say bad words …if u see this?just see it..no need to
( what fuck is this?) ur not respecting all filipinos//
magaling…nakatulong po kau sa assignment ko..muah muah..!!!
cn0ng auth0r n2??
ang gul0..
bLurD..
mahusay n guro ng san juan
….,meRon Ba kayong kaugnay na literatura tungkol sa pag-aaral ng silid-aklatan?
SH!T…I cant understand..!Fuck this website!…
me 2 can’t understand ……………….8=@………………..
me 2 can’t understand ……………….8=@………………..
hindi ko maintindihan
ano ang kahulagan ng kaungay na literatura?
halinmbawa nito.
pwede po ba paki specify ang pagpili at paglinang ng wika.maligoy kasi.
napaka husay ng pagpapaliwanag.congrats.
….wika