Matagal nang oflayn ang websayt ng Komisyon sa (hindi pala "ng") Wikang Filipino. Pabalik-balik ako pero talagang wala. Hanggang sa nakita ko sa lingk sa Wikipedia ang isang seksyon para Komisyon sa Wikang Filipino ng Wiki!, ang www.wika.pbwiki.com.
"Webpurok" ang kinoyn nilang salita para sa "website". May ofisyal forum akong nakita, "Talakayan" ang tawag. Wala pa masyadong nagpopost ng mesij kaya nakipost na rin ako.
Tama raw bang sisihin ang wikang Filipino sa lumalalang kahinaan ng mga Filipino sa paggamit ng Ingles?
Ang sagot ko, maaari.
Ang makabagong ispeling ng mga isinaFilipino o Filipinayzd na mga forin word ay maaaring makaafekt sa English ispeling at English pronunsieysyon KUNG hindi iiikspleyn sa mga istudent na magkaiba ang neytsur ng Filipino at English langwij.
Pero, natutuwa ako rin ako sa makabagong Filipino. 1) Bago ang "looks" ng nasyunal langwij natin. 2) Hindi na PILIT ang pagsusulat sa Filipino dahil kung ano ang ginagamit natin sa pakikipagkomyunikeyt, yun din ang isinusulat natin. 3) Hindi na rin majajaj ang na nagtaTaglish ang isang nagfiFilipino. 4) Mas nagfoflorisy ang ating vokabyulari dahil sa pagmetamorfosayz ng ispeling ng Filipino. 4) Hindi na dominant ang mga salitang English sa mga sulatin natin.