Goodluck sa mga altetang Pilipino!

Goodluck sa mga altetang Pilipino sa 2008 Beijing Olympics: Mark Javier (archery); Henry Dagmil at Marestella Torres (long jump); Henry Tañamor (boxing); Miguel Molina, James Walsh, Ryan Arabejo, Daniel Coakley at Christel Simms (swimming); Rexel Ryan Fabriga at Sheila Mae Perez (diving); Tshomlee Go at Mary Antoinette Rivero (taekwondo); Eric Ang (trap shooting); at Hidilyn Diaz (weightlifting).Simula ng jumoin ang kauna-unahang Pilipinong Olympian na si David Nepomuceno 1924 sa Paris, hindi pa nakakasungkit ng gold medal ang mga atletang Pilipino. Bagamat maipagmamayabang ng bansa ang karangalan bilang kauna-unahang [nasyon] delegado mula sa Southeast Asia na nakakuha ng Olympic medal -- bronze sa Swimming (200m breaststroke Men) ni Teofilo Yldefonso sa 1928 Amsterdam Games.Pinaka-successful ang Pilipinas sa Boxing na may limang [...]

Read the rest of this entry »

C, Ñ, Q at X

Mahigit sampung taon na ang nakakaraan nang gawing 28 mula sa dating 31 nung 1976 ang bilang ng letra sa alpabetong Filipino (Pilipino mula 1959-1973, Wikang Pambansa mula 1937-1959). Taong 1937 nung piliin bilang basehan ng pambansang wika ang Tagalog sa tawag na Wikang Pambansa na may 20 letra. Taong 2001 nung kauna-unahang opisyal na nagamit sa mga salitang na isina-Filipino ang apat sa walong natirang banyagang letra (c, f, j, ñ, q, v, x at z) sa makabagong alpabeto. Ang mga "letra" o degraph na ch, ll at rr ang tatlo pang banyagang letra sa alpabeto bago ang 1976.Sa mga panahong nauso ang mga salitang Filipino na may banyagang letra tulad "jolog", "japorms" at "fafa" hanggang sa kasalukuyan, limitado [...]

Read the rest of this entry »

SanAG 7

ISANG PAGBULIG SA MGA ORAGONMga Binalaybay mula BikolKristian S. CorderoKalimitan na ang gawain ng isang editor para sa mga ganitong koleksyon ay limitado lamang sa pagsasaayos ng mga obra ayon sa personal na pamantayan ng patnugot at ang paghahanap ng mga kawing na mauugnay o napapanahong tema na maaaring lumitaw at tingnan sa halos lahat ng akdang iniaambag para sa nasabing publikasyon. Ganito ang naging disposisyon ko sa pagtanggap ko ng mga lahok mula sa mga kapwa ko manunulat na Bikolnon na ipinagdiwang ang balitang bukas ang SanAg sa paglimbag ng mga akdang Bikol. Dito higit na mapapapatunayan ang kahalagahan ng pagiging kabulig ng bawat isa. Hindi naman malayo ang pusod ng Bikol sa [...]

Read the rest of this entry »

Ika-2 para sa Philippine Madrigal Singers at Pilipinas!

Panalo ang Philippine Madrigal Singers o ang "Madz" sa 2007 European Grand Prix for Choral Singing, ang ikinokonsider na choral Olympics sa mundo. Ito ang ika-2ng beses na nanalo ang grupo, nung 1997 ang firstaym. Bagamat hindi ang Pilipinas ang may pinakamaraming panalo sa histori ng kontest kundi ang Sweden na may apat (St Jacobs Kammerchör, 1992; The Mats Nilsson Vocal Ensemble, 1994; Lunds Vocal Ensemble, 1999; at Allmånna Sangen, 2005), ang grupo ang kauna-unahan at tanging choir na nanalo ng dalawang beses. Kung nagtataka kayo kung bakit kasali ang Madz [...]

Read the rest of this entry »

Maraming Wika, mas marami ang mga bakla!

Ano nga ba ang nagbubuklod-buklod sa mga mamamayan ng kapuluang ito? Hindi, ang relihiyong Katolisismo. Hindi, ang gobyerno ni Gloria Macapagal-Arroyo. Hindi, si Kris Aquino. Hindi, ang Wowowee. Hindi, ang balut. Hindi ang Team Pilipinas. Hindi, ang Wikang Filipino. Ang Canaman, isa sa pinakamatandang parokya at bayan sa Bicol at may pinaka-purong diyalekto ng Bikol ayon sa isang Heswitang linggwista, ay nagdiriwang ng ika-408ng fyesta nito ngayon. Simula nung August 6, gabi-gabi ang programa sa aming plaza. Napaka-ironic ng mga programa. Wala gaanong pretty sa Pretty Boy. Iisa lang ang lumahok sa Miss Gay na mula sa Canaman at karamihan ay mula sa Naga City, may taga-Iriga City at Legazpi City pa. Kung gaano katagal nasundan ang Miss (nung 2003 yung huli) ganun rin [...]

Read the rest of this entry »

« Previous Entries