Filipino 101: Teorya ng Wika
Michelle: Tulong nman.. Ano ba ang teorya pinanggalingan ng wika?
Mula sa websayt na Sari-sari Etc. ni Paul Morrow, isang taga-Canada na interesado sa kulturang Filipino:
Ang Pinagmulán ng mga Wikà ng Filipinas
Sinu-sino ang mga dayuhang nagdalá ng ibá’t ibáng wikà sa Filipinas? Iyán ang katanungan ng isáng panauhin dito sa Sarisari etc.
Maraming lahì ang nagdalá ng kaní-kaniláng salitâ sa Filipinas noóng unang panahón, ngunit ang mga wikang dinatnán nilá sa Filipinas ay taál na Filipino.
Dati'y may teoryang ang tawag ay wave theory. Ayon sa wave theory, ang mga ninunò ng lahing Filipino ay dumayo sa Filipinas nang iláng ulit o waves ng pandarayuhan sa pamamagitan ng mga tuláy na lupà na nalantád dahil mas mababaw ang mga dagat noong panahón ng kalamigang pandaigdíg (Ice Age). Nanggaling daw silá sa Indonesia, Malaysia at ibá pang lugár. Libu-libong taón daw ang pagitan ng bawat panahón ng pandarayuhan. Diumanó’y itó raw ang sanhî kung bakit may mga Ita, Ifugáw at modernong Filipino sa Filipinas. Subalit ngayón ay hindî na tinátanggáp ang teoryang itó.
Ayon sa mga bagong pananaliksík sa larangan ng wikà (comparative linguistics, lexicostatistics), ang mga wikà ng ibá't ibáng grupo sa Filipinas ay masyadong magkakahawig kayâ hindî máaaring may iláng libong taón ang pagitan ng kaní-kaniláng pagdatíng. Makikita rin sa mga bagong ebidensyá sa larangan ng arkeolohiya na tulúy-tulóy at hindî paulit-ulit ang nagíng pandarayuhan sa Filipinas.
May relasyón sa bawat isá ang mga wikà sa Filipinas. Ang pangalan ng pamilya ng mga wikang itó ay Austronesian o Malayo-Polynesian. Ang mga wikang Austronesian ay mga wikà mula sa mga pulô ng Southeast Asia hanggáng sa Easter Island na malapit sa South America.
Malamáng na ang unang mga taong nagsasalitâ ng íisáng wikang Austronesian ay dumatíng sa Filipinas mula sa hilagà (north) limáng libong taón na ang nakalipas. Nagkahiwá-hiwaláy silá at nagsikalat sa buóng kapuluán. Dahil sa habà ng panahón na nagkahiwaláy silá, untí-untíng nagbago ang kanilang pagsasalitâ. Dumatíng ang panahón na ang mga grupong itó ay hindî na nagkaintindihan. Ang ibig sabihin ay nagíng bago na ang mga wikà at pagsasalitâ ng ibá’t ibáng grupo. Ito ang mga wikang kilala natin sa Filipinas ngayón tulad ng Ilokano, Tagalog, Cebuano at marami pang ibá.
Ganitó rin ang nangyari sa ibáng mga bahagi ng Timog-Silangan tulad ng Malaysia at Indonesia. Nang simulán nilá ang pangangalakal sa mga pulô, nadalá rin nilá ang kaniláng mga bagong salitâ sa Filipinas - patí yaóng mga salitáng natutuhan nilá sa ibá pang mas malalayong bansá tulad ng India.
Mula noon hanggáng ngayón, ang mga Filipino, tulad ng lahát ng lahì sa daigdíg, ay nanghíhirám ng mga salitâ mulâ sa maraming dayuhang lahì. Masasabi nating patuloy na nagbabago ang mga wikà sa mundó dahil lahát tayo ay patuloy ang panghíhirám at paggamit ng mga bagong salitâ sa ating pangungusap.
Bagamá’t may mga wikang dayuhan na nagkaroón ng impluwensiyá sa paglagô ng mga wikang Filipino, ang Filipinas ay may sariling mga taál na wikà bago pa man itó nápuntahán ng mga dayuhan.
Mula naman sa sa revyuwer sa Filipino ni Criselle ng San Pedro Poveda College:
Teorya ng Wika - Pinagmulan ng wika
Ding Dong - bagay. Ipinalagay sa teoryang ito na ang lahat ng bagay sa kapaliran ay may sariling tunog na siyang kumakatawan sa nasabing bagay. Mga tunog ang nagpapakahulugan sa mga bagay tulad ng kampana, relo, tren, at iba pa.
Bow Wow – kalikasan. Dito ang tunog ng nalikha ng kalikasan, anuman ang pinagmulan ay ginagad ng tao. Halimbawa, ang tunog-kulog, ihip ng hanging, at iba pa.
Pooh Pooh – tao. Ipinalalagay na ang tao ang siyang lumikha ng tunog at siya ring nagbibigay ng kahulugan. Dito ang tunog mula sa mga tao.
Kahariang Ehipto – Ayon sa haring si Psammatichos, ang wika ay sadyang natutuhan kahit walang nagtuturo o naririnig. Natutunan kahit walang nagtuturo. Unconsciously learning the language.
Charles Darwin – Ito ay nakasaad sa aklat na Lioberman (1975) na may pamagat na “On the Origin of Language”, sinasaad niya ang pakikipagsapalaran ng tao para mabuhay ang nagtuturo sa kanya upang malikha ng iba’t ibang wika. Wika natutunan tungkol sa mga pakikipagsapalaran.
Genesis 11: 1-9 –Tore ng Babel. Story of Tower of Babel. Based on the Bible.
Wikang Aramean – Believes that all languages originated from their language, Aramean or Aramaic. Syria. May paniniwalang ang kauna-unahang wikang ginagamit sa daigdig ay ang lenggwahe ng mga Aramean. Sila ang mga sinaunang taong nanirahan sa Syria (Aram) at Mesopotamia. Tinatawag na Aramaic ang kanilang wika.
Maraming salamat kina Paul at Criselle!






@jun
1. teoryang bawaw
2. teoryang pooh pooh
3. teoryang tara ra boom de ay
4. teoryang ding dong
5. teoryang tata
6. teoryang yo-he-ho
pwd nyo po b qng 2lungan sa assignment q?anu2 po b ang plnag ng mga dalubhasa sa katangian ng wika? pki answer po…tnx
ang pangit
kaw b c cristine de guzman? cam toh!@cristine
tnx…
ganda ng page dmi ma222nan…
nakakuha aq ng idea s teorya mg wika…
dagdagan lng oh ng ibang teorya…
…at last!!!!…
…nkta q na din sa wakas ung theory of WIKA!!!…
…wahahahaha!!!…
…tnx 4 da info…
…tnx tlga huh!!!.
dba 8 poh lht ang teorya n pinanggalingan ng wika?????????
..pa’n0 p0 ung teoryang sing-song?
…meron bang teoryang sing song????
kulang po,san yung iba
eLow poh…
Gusto ko lang poh malaman kahulugan ng teorya ng akomodasyon.
pkiemail nlang poh skn.
tnx!
e2 poh email q,
jolly_05_adik2yahoo.com.au
^o^
salamatx
eLow poh…
Gusto ko lang poh malaman kahulugan ng teorya ng akomodasyon.
pkiemail nlang poh skn.
tnx!
e2 poh email q,
jolly_05_adik@yahoo.com.au
^o^
salamatx
Hi.. may assignment po kasi kami bout toerya ng wika… Anu anu ba un?pwede paki enumerate and explain… tnx… here’s my email/ym….or text?09233041388
clinton_tan1303@yahoo.com
need ko na po pls…
anu po ung teorya sing-song???pki explain &innumerate
Teoryang Bow-wow. Ayon sa teoryang ito, maaaring ang wika raw ng tao ay mula sa panggagaya sa mga tunog ng kalikasan. Ang mga primitibong tao diumano ay kulang na kulang sa mga bokabularyong magagamit. Dahil dito, ang mga bagay-bagay sa kanilang paligid ay natutunan nilang tagurian sa pamamagitan ng mga nalilikha ng mga ito. Marahil ito ang dahilan kung bakit ang tuko ay tinatawag na tuko dahil sa tunog ng nasabing insekto. Pansinin ang mga batang ntututo pa lamang magsalita. Hinidi ba’t nagsimula sila sa panggagaya ng mga tunog, kung kaya’t ang tawag nila sa aso ay aw-aw at sa pusa naman ay miyaw. Ngunit kung totoo ito, bakit iba-iba ang tawag sa aso halimbawa sa iba’t ibang bansa gayong ang tunog na nalilikha ng aso sa Amerika man o sa Tsina ay pareho lamang?
Teoryang Pooh-pooh. Unang natutong magsalita ang mga tao, ayon sa teoryang ito, nang hindi sinasadya ay napabulalas sila bunga ng mga masisidhing damdamin tulad ng sakit, tuwa, sarap, kalungkutan, takot, pagkabigla at iba pa. Pansinin nga naman ang isang Pilipinong napabulalas sa sakit. Hindi ba’t siya’y napapa-Aray! Samantalang ang mga Amerikano ay napapa-Ouch! Ano’ng naibubulalas natin kung tayo’y nakadarama ng tuwa? Ng sarap? Na takot?
Teoryang Yo-he-ho. Pinaniniwalaan ng mga nagmungkahi ng teoryang ito na ang tao ay natutong magsalita bunga diumano ng kanyang pwersang pisikal. Hindi nga ba’t tayo’y nakalilikha rin ng tunog kapag tayo’y nag-eeksert ng pwersa. Halimbawa, anon’ng tunog ang nalilikha natin kapag tayo’y nagbubuhat ng mabibigat na bagay, kapag tayo’y sumusuntok o nangangarate o kapag ang mga ina ay nanganganak?
Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay. Likas sa mga sinaunang tao ang mga ritwal. Sila ay may mga ritwal sa halos lahat ng gawain tulad ng sa pakikidigma, pagtatanim, pag-aani, pangingisda, pagkakasal, pagpaparusa sa nagkasala, panggagamot, maging sa paliligo at pagluluto. Kaakibat ng mga ritwal na iyon ay ang pagsasayaw, pagsigaw at incantation o mga bulong. Ayon sa teoryang ito, ang wika raw ng tao ay nag-ugat sa mga tunog na kanilang nalilikha sa mga ritwal na ito na kalauna’y nagpapabagu-bago at nilapatan ng iba’t ibang kahulugan.
Teoryang Ta-ta. Ayon naman sa teoryang ito, ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na kanyang ginagawa sa bawat particular na okasyon ay ginaya ng dila at nagging sanhi ng pagkatuto ng taong lumikha ng tunog at kalauna’y nagsalita. Tinatawag itong ta-ta na sa wikang Pranses ay nangangahulugang paalam o goodbye sapagkat kapag ang isang tao nga namang nagpapaalam ay kumakampay ang kamay nang pababa at pataas katulad ng pagbaba at pagtaas na galaw ng dila kapag binibigkas ang salitang ta-ta.
Teoryang Ding-dong. Kahawig ng teoryang bow-wow, nagkaroon daw ng wika ang tao, ayon sa teoryang ito, sa pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng mga bagay-bagay sa paligid. Ngunit ang teoryang ito ay hindi limitado sa mga kalikasan lamang kundi maging sa mga bagay na likha ng tao. Ayon sa teoryang ito, lahat ng bagay ay may sariling tunog na siyang kumakatawan sa bawat isa at ang tunog niyon ang siyang ginagad ng mga sinaunang tao na kalauna’y nagpabagu-bago at nilapatan ng iba’t ibang kahulugan.
walang kwenta bobo nag lagay nyan!
NS FIRST TIME KO GUMAWA NG HOME WORK!!
ahaha
2nd yr coll. na aq!!!
ehehehe..
GEH TY!!!! 12KSY 2 muna aq!!!
asheru n_n
8 lang ba lahat ang teorya ng wika?
o mayroon pang iba.
pls.pki sagot po agad.
thanks